WALANG KAYOD NA PINOY NABAWASAN (8.7M noong Marso)

HINDI bababa sa 19% ng adult labor force o 8.7 million Filipinos ang walang trabaho hanggang noong Marso ng kasalukuyang taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

“This was 2.3 points below the 21.3% in December 2022 and 7 points below the 26% in April 2022. However, it was still 1.5 points above the 17.5% in December 2019, before the COVID-19 pandemic,” pahayag ng SWS.

Sinabi ng SWS na ang pagbaba sa unemployment ay dahil sa pagliit ng bilang ng mga walang trabaho sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao

Kumpara noong December 2022, ang quarterly joblessness ay bumaba mula 24.8% sa Metro Manila, 23.1% sa Balance Luzon, at 18.6% sa Visayas. Gayunman ay tumaas ito mula sa 18.1% sa Mindanao.

Dagdag pa ng SWS, ang joblessness ay nag-peak noong July 2020 sa 45.5% sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ang downward trend nito ay nagsimula noong September 2020 hanggang December 2022, umabot sa hanggang 18.6% noong October 2022.

Ayon pa sa SWS, ang jobless citizens ay yaong boluntaryong umalis sa kanilang dating trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, at nawalan ng trabaho dahil sa uncontrollable economic circumstances.

Ang non-commissioned survey ay isinagawa via face-to-face interviews mula March 26 hanggang 29, 2023 sa 1,200 adult participants sa buong bansa, tig- 300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, tig- ±5.7% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.