WALANG SAN JUANENO NA NAHAWAHAN NG COVID-19

Mayor Zamora

NILINAW ni San Juan City Mayor Francis Zamora na wala silang residente na nagpositibo sa Coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) sa kanilang lugar.

Ayon kay Zamora, ang nagpositibo sa CO­VID-19 na unang dinala sa Cardinal Santos Medical Center ay residente ng Cainta, Rizal at hindi taga-San Juan.

Paliwanag pa ng alkalde, 32 katao ang nagkaroon ng kontak sa naturang pasyente at  karamihan aniya  ay naka-confined sa Cardinal Santos Medical Center  na isinailalim na umano sa quarantine ng DOH.

Dagdag pa ng alkalde, handang-handa na ang kanyang mga tauhan upang agad na tugunan ang naturang virus kung saan noon pang Biyernes ay  ina-activate na ang Task Force COVID-19.

Aminado si Zamora na malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng San Juan dahil sa kakaunti na lamang ang taong dumadalaw sa Greenhills Shopping Center dahil sa napabalitang mayroong nagpositibo ng CO­VID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.