NAGTALA si James Harden ng season highs na 28 points at 15 assists at nagdagdag si Kawhi Leonard ng 27 upang tulungan ang Los Angeles Clippers na hilahin ang kanilang winning streak sa season-high six games sa 121-113 panalo kontra bisitang Golden State Warriors noong Huwebes.
Umiskor si Norman Powell ng 21 points at nag-ambag si Amir Cofffey ng season-high 18 para sa Clippers, habang si Harden ay naging ika-24 player sa kasaysayan ng NBA na umabot sa 25,000-point plateau sa isang driving layup, may 4:33 ang nalalabi sa third quarter.
Nagwagi ang Los Angeles kahit wala si star Paul George dahil sa left hip soreness.
Nagbuhos si Klay Thompson ng season-high 30 points na may walong 3-pointers at nagdagdag si Stephen Curry ng 17 para sa Warriors. Ang Golden State ay naglalaro na wala si Draymond Green, na sinuspinde indefinitely makaraang suntukin sa ulo si Phoenix Suns’ Jusuf Nurkic sa kanilang laro noong Martes.
Umiskor si Jonathan Kuminga ng 15 points at nagdagdag si Chris Paul ng 12 para sa Golden State, na nahulog sa 4-12.
Timberwolves 119,
Mavericks 101
Nagsalpak si Naz Reid ng career-high seven 3-pointers upang tampukan ang kanyang season-best 27-point performance at pangunahan ang bisitang Minnesota Timberwolves sa panalo laban sa Dallas Mavericks.
Bumuslo si Reid ng 8 of 14 shots mula sa floor para sa Timberwolves, na nalusutan ang 39-point, 13-assist performance ni Luka Doncic at naiposte ang kanilang ika-7 panalo sa kanilang huling walong laro.
Nag-ambag si Minnesota’s Karl-Anthony Towns ng 21 points at 17 rebounds, kumabig si Mike Conley ng 14 points at tumipa si Nickeil Alexander-Walker ng 13.
Ipinasok ni Anthony Edwards ang 3 of 19 shots mula sa floor upang tumapos na may 9 points sa kanyang pagbabalik mula sa one-game absence dahil sa right hip pointer.
Na-outscore ng Timberwolves ang Dallas, 60-41, sa second half. Bumuslo sila ng 50 percent mula sa floor at 45.2 percent mula sa 3-point range (14 of 31) para sa laro. Tangan din nila ang 45-34 edge sa rebounds.
Gumawa si Dereck Lively II ng 15 points at nagdagdag si Dante Exum ng 14 para sa Mavericks, na naputol ang four-game winning streak. Hindi naglaro si Dallas’ Kyrie Irving sa ikatlong sunod na game dahil sa right heel contusion.