NAGBUHOS si Stephen Curry ng 29 points upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 107-88 panalo kontra Boston Celtics at maitabla ang best-of-seven finals series sa 1-1 nitong Linggo.
Pinamunuan ni Curry ang mainit na shooting ng Golden State habang pinatahimik ng matinding depensa ng Warriors ang key offensive weapons ng Boston.
Hindi hinayaan ng Warriors, na nasayang ang 12-point fourth quarter lead sa Game 1, na muling kumulapso kung saan naitarak nila ang double-digit advantage sa third quarter tungo sa panalo.
Nakatuwang ni Curry sa scoring para sa Golden State sina Jordan Poole (17 points), Andrew Wiggins (11), Kevon Looney (12) at Klay Thompson (11).
Nagbida si Jayson Tatum para sa Boston na may 28 points, 21 sa mga ito ay naitala niya sa hardfought first half.
Dalawang iba pang Boston players lamang — Jaylen Brown na may17 points at Derrick White na may 12 — ang nagtala ng double digits.
Pinahirapan ng depensa ng Warriors, sa pangunguna ni Draymond Green, ang Boston sa second half, kung saan dalawang high-scoring Celtics heroes mula sa Game 1 — Al Horford at Marcus Smart – ang nalimitahan sa pinagsamang 4 points lamang.
Lilipat ang series sa Boston para sa Game 3 sa Miyerkoles at Game 4 sa Biyernes.
“We said we needed to play with desperation and that’s what we did,” sabi ni Curry. “It’s a good feeling to get back on track and now we’ve got to take it on the road.
“We got off to a better start defensively where we made an imprint on the game and they felt us more than they did in game one. Our third quarter was great and we got a bit more separation that made the fourth quarter easier tonight.”
Inilagay ng Warriors ang kanilang sarili sa winning position makaraang ma-outscore ang Boston, 35-14, sa third quarter upang kunin ang 87-64 lead papasok sa fourth quarter.