PINUTOL ng Milwaukee Bucks ang eight-game winning streak ng NBA defending champion Golden State Warriors sa pamamagitan ng 134-111 panalo.
Sinamantala ng Bucks ang pagkawala ni Stephen Curry na lumabas sa court sa third quarter dahil sa leg injury.
“He seems good to me. I’ve got to talk to him tomorrow and see how he’s doing,” wika ni teammate Kevin Durant. “Hopefully he’s doing well.”
Kumana si Eric Bledsoe ng pitong sunod na puntos sa big third quarter run ng Bucks at tumapos na may 26 points. Nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 24 points, 9 rebounds at 4 assists, at ipinalasap ng Bucks sa Warriors ang kanilang unang pagkatalo sa home ngayong season.
Nanguna si Klay Thompson para sa Warriors na may 24 points at gumawa si Durant ng 17 points, 9 assists at 7 rebounds.
Umiskor si Curry ng 10 points sa kanyang ikalawang sunod na laro na below 20 makaraang magtala ng 23 sa kanyang mga naunang laro.
Tumirada si Malcolm Brogdon ng 20 points at nag-ambag si Khris Middleton ng 17 points at 6 six assists nang magwagi ang Milwaukee (9-2) ng dalawang sunod sa Oracle Arena matapos ang 116-107 panalo noong Marso 29.
THUNDER 98, ROCKETS 80
Nagbuhos si Paul George ng 20 points at ginapi ng Oklahoma City ang Houston na wala si point guard Russell Westbrook para sa kanilang ika-7 sunod na panalo.
Hindi nakapaglaro si Westbrook sa ikalawang sunod na game dahil sa sprained left ankle. Nagtala rin si George ng 11 rebounds, 6 assists at 6 steals. Ang Thunder ay 0-4 bago ang streak.
Nagsalansan si Steven Adams ng 19 points at 10 rebounds, at nagdagdag sina Terrance Ferguson at Dennis Schroder ng tig-14 points. Gumawa si James Harden ng 19 points subalit bumuslo lamang ng 7 of 19 shots para sa Rockets. Nagdagdag si Clint Capela ng 17 points para sa Houston.
TRAIL BLAZERS 116, CLIPPERS 105
Kumamada si Damian Lillard ng 25 points nang maiposte ng Portland ang ikatlong sunod na panalo laban sa Clippers.
Nagdagdag si CJ McCollum ng 23 points para sa Portland, na nagwagi ng anim sa pito.
Umiskor sina Danilo Gallinari at Lou Williams ng tig-20 para sa Clippers. Tumirada si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 19.
Comments are closed.