WARRIORS UMANGAT SA 2-1

OAKLAND – Pinatahimik ni Stephen Curry ang kanyang mga kritiko sa pamamagitan ng 35-point performance nang pasabugin ng Golden State Warriors ang Houston Rockets, 126-85, at kunin ang 2-1 series lead sa NBA Western Conference finals noong Linggo.

Nalusutan ni Curry,  hindi tinantanan ng Houston nang maitabla ang serye sa Game 2, ang masamang laro sa first half upang pangunahan ang Warriors sa tambak na panalo sa Game 3.

Mag-isang nagpasabog ang two-time NBA Most Valuable Player ng 18 points sa third quarter na nagpalayo sa Warriors sa Rockets.

May pagkakataon ang reigning champion Warriors na kunin ang commanding 3-1 lead sa panalo sa harap ng kanilang home fans sa Game 4 sa Martes.

Nakahinga nang maluwag si Curry nang maibalik ang init ng kanyang kamay sa harap ng mga pagbatikos sa kanyang ipinama-las sa Game 2.

“That’s what I expected to do,” wika ni Curry.  “My approach to every game is the same — you don’t get too high on the highs, or too low on the lows.

“I’m just thankful I managed to hit some shots tonight, eventually. But there’s a long way to go. I’m just going to stay focused on that.”

Samantala, sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na kailanman ay hindi niya pinagdudahan si Curry kahit malamig ang laro nito sa first half.

“We’ve seen this so many times with Steph,” ani Kerr.  “All it takes is one. I was never concerned. This guy’s a two-time MVP and he bounces back from bad games as well as anybody I’ve ever seen. It didn’t surprise me.”

Ang panalo ay record 16th straight playoff victory sa home para sa  Warriors sa Oracle Arena. Higit sa lahat, ang 41-point mar-gin na pagkatalo ay pinakama­bigat ng Houston sa isang playoff game.

Inamin ni Rockets coach Mike D’Antoni  na nabugbog ang kanyang koponan, subalit iginiit na makakabawi pa sila.

“They gave us a haymaker and we went down,” ani D’Antoni.  “We’ve got short memories, it’s 2-1. We’ve got to get one up here and this next one we’ve got to go get it.

“We played soft, actually, and you can’t do that with these guys.”

Tulad ni  Curry, ang iba pang starter ng Warriors ay nagtala ng double figures, kung saan tumapos si Kevin Durant na may 25 points at gumawa si Klay Thompson ng 13.

Samantala, natahimik naman si Rockets star James Harden sa naitalang 20 points, habang gumawa si Chris Paul ng 13.

Naitarak ng Warriors ang nine-point lead sa first quarter, 31-22.

Habang mabagal ang simula ni Curry, kung saan isa lamang ang naipasok nito sa pitong three-point attempts sa first half, unti-unting gumawa si Durant.

Kumana ang towering forward ng 15 points sa first half, at pinalobo ang kalamangan ng Warriors sa  54-41, wala nang 30 segundo ang nalalabi sa half.

 

 

Comments are closed.