INIHIRIT ng Bayan Muna Partylist sa Manila Water at Maynilad na huwag nang singilin ang isang buwang konsumo ng tubig ng mga consumer.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Carloz Zarate, hindi pa nakakabawi ang publiko sa problemang idinulot ng bill shock ng Meralco at ngayon ay susundan pa ng water bill shock dahil sa mataas ding singil sa tubig.
Kaya’t pinatitiyak nito, bago maningil sa tubig ay dapat nabasa na ang metro ng mga consumer upang tama ang halaga at konsumo na kanilang maitatala sa billing statement.
Giit pa ng kongresista, tulong na lamang ito ng dalawang kompanya lalo na sa mga mahihirap na pamilya na nawalan ng trabaho o naapektuhan ang kita bunsod ng lockdown dahil sa COVID-19.
Pinuna pa na napakalaki na ng tubo ng water concessionaires sa singil sa tubig sa mga nakalipas na taon kahit pa maraming beses na palpak ang kanilang serbisyo. CONDE BATAC
Comments are closed.