KINUHA si Victor Wembany- ama bilang No. 1 overall ng San Antonio Spurs sa 2023 NBA Draft nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.
Ang 7-foot-4 French center ay inaasahang magiging first pick dahil itinuturing siya bilang isa sa pinaka-exciting draft prospects.
Pinangunahan ng 19-year-old ang kanyang Metropolitans 92 team sa finals ng France’s LNB Pro A Season at itinanghal na Season MVP. May average siya na 21.6 points, 10.4 rebounds, at 3.0 blocks per game.
Ang Spurs ay tumapos na may 22-60 record noong nakaraang season.
Pinili ng Charlotte Hornets si Brandon Miller sa No. 2 habang kinuha ng Portland Trail Blazers si Scoot Henderson ng G League Ignite sa third pick.
Ang kambal na sina Amen at Ausar Thompson ay No. 4 at 5 picks ng Houston Rockets at Detroit Pistons, ayon sa pagkakasunod, habang No. 6 pick si Anthony Black ng Orlando Magic.
Seventh pick ang teammate ni Wembanyama na si Bilal Coulibaly ng Indiana Pacers subalit iti-trade siya sa Washington Wizards.
Ipinagpalit ng Pacers at Wizards ang seventh at eighth picks, kung saan kinuha ng Indiana si draft prospect Jarace Walker mula sa Washington, gayundin ang second round picks.