HINDI nagpadala sa sulsol si Willie Revillame para pasukin ang politika. Maraming beses siyang kinulit ng isang partido na tumakbong senador pero nagdesisyon siyang wag na lang.
Advantage kay Kuya Wil ang TV show niya dahil buong Pilipinas at mga karatig-bansa, napapanood ang Wowowin. Sure win na siya dahil sa kanyang popularidad. Pero mas pinili ni Kuya Wil na manatiling host ng kanyang show kesa maging senador.
May nagtanong. Kung mahalal daw bang senador si Willie, may hinihintay raw ba siyang kapalit? Sobrang laki kasi ng gagastusin sa kampanya sa eleksiyon. Paano niya babawiin ang perang ginastos sa kampanya?
Isang kaibigan niya ang sumagot. “Bakit kailangan sumakit ang ulo ni Kuya Wil? Kapag halal siya, wawasakin ang kanyang pamilya ng politika,” ani friend. “Sisi-rain niyo ang kanyang buhay. Yung ginagawa niya lang na pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan, sapat na para makatulong sa bayan. Bakit pa niya guguluhin ang buhay niya?”
Maraming beses nating narinig na hulog ng Diyos ang aktor/TV host-producer. Mayroon pa bang mahihiling si Kuya sa kanyang buhay? Bunga ito ng kanyang pagtitiis at pagsisikap. Sapat na marahil na nakakapagbigay siya ng kasiyahan sa sambayanan at tahimik na namumuhay sa piling ng kanyang mga anak at mga apo.
***
KRIS AQUINO KUWALIPIKADONG SENADORA
Couple of days na lang, Oktubre na! Marami na ang nagpaparamdam na taga showbiz na gustong pumasok sa serbisyo-politiko. Isa si Kris Aquino sa nililigawan ngayon ng isang presidentiable para makasama sa line-up nilang senador.
Oo, naman. Much qualified siya para sa posisyon na senadora. Sagot na lang ni Krissy ang hinihintay. Mapagbigyan kaya niya ang hiling ng isang kaibigan? Hintayin natin ang pagpapasya ng ating queen of social media.
Samantala, may bagong endorsement ng beauty product si Krissy. Isang picture niya na kita ang likod at may mga bula ng sabon pampapaligo ang nakita namin. Grabe raw ang laki ng talent fee niya.
Sa kanyang instagram post, “I’m donating may talent fee from this post for our government health workers who are yet to get their backwages ( we are in contact with PGH) and I’m giving the rest sa Malabon program, Karinderiya para sa Kalusugan ng Chikiting. Naniniwala pa rin ako na may kinabukasan ang Pilipinas kaya para sa mga bumubuhay sa ‘tin ngayon, salamat po.”
***
ARA MINA NAHIHIRAPANG MAGLIHI
Manggang manibalang at bagoong na alamang ang gusto ni Ara Mina, ayon sa kanyang posting sa social media. Buntis na kaya siya, o feeling lang niya? Dapat bang pagtakahan ‘yan? Ikinasal siya nuong Hunyo 1, at misis David Almarinez na. Di ba dapat lang na mabuntis siya?
Kakaiba ang awra at ganda ni Ara, at ang hiling niya sa Diyos, masundan na sana si Amanda (anak niya kay Patrick Meneses). Sa ngayon madali na magkaanak sa pamamagitan ng IVF..”
957015 171522Hello, Neat post. There can be a problem together with your internet site in internet explorer, could test thisK IE nonetheless may be the marketplace leader and a large portion of people will leave out your exceptional writing due to this problem. 258583
609654 193792Id should talk to you here. Which is not some thing I do! I quite like reading a post which will make people believe. Also, many thanks permitting me to comment! 871652
170408 830833Thank you for sharing with us, I believe this website genuinely stands out : D. 130791