STRESSED out si Xian Lim sa bago nitong proyekto sa GMA-7. Kasi naman, sa role niya, magbubuntis si Xian. May ganoong tema sa False Positive? Lalaking nagbuntis?
Hesitant siya noong una pero nang makita niyang ginawa na rin ito ng iba, tinaggap na rin niya ito. First time din niyang makakasama si Glaiza De Castro.
Speaking of pagiging tatay, hindi pa raw ready si Xian. Napag-usapan raw nila ni Kim Chiu ang kasal at pagbuo ng pamilya pero wala pang konkretong plano.
SHARON CUNETA THANKFUL NA HINDI GALIT SA KANYA SI TITO SOTTO
Napaiyak si Sharon Cuneta nang yakapin siya ng mag-asawang Tito Sotto at Helen Gamboa sa isang pagkikita, kahit pa hindi niya sinuportahan ang tiyuhing kalaban ng kanyang asawa sa pulitika.
Kapatid si Helen ng kanyang inang si Elaine.
Kahit magkakalaban si Tito at Kiko Pangilinan sa pagkabise president pero hindi nasira ng politika ang kanilang pamilya.
Sa pagyakap nga ni Tito kay Sharon, parang nabunutan ng tinik si Sharon. Ngayong tapos na ang eleksyon at pareho naman silang natalo, back to normal ulit. Well, well, well… ‘Yun na!