NUEVA VIZCAYA-SAMPU katao ang namatay makaraang matabunan ng putik at bato ang kanilang bahay sa naganap na landslide sa Barangay Runruno, bayan ng Quezon sa lalawigang ito sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses noong Huwebes ng gabi.
Sa paunang ulat ng Regional Police Office 2, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Julienne Tamiza, 15-anyos; Francisco Napaduan, 54-anyos; Cresencio Nah-oy,27-anyos; Ben Uyami Jr. 31-anyos; Dexter Nah-oy, 2-months old; Mark Connie Binway, 15-anyos; Jomar Comiling, 33-anyos; Noel Buya-co, 39-anyos; Joel Butuan, 26-anyos; at Omar Bola, 17-anyos.
Samantala, ilang pagguho ng lupa ang naganap sa tatlong lugar sa nasabing barangay bandang alas-4 ng hapon noong Huwebes kung saan natabunan ang ilang kabahayan.
Nabatid na sa sampung natagpuang patay ay nagmula sa Sitio Bitang, Sitio Kinalabasa, at Sitio Compound.
May ilang residente rin ang pinaghahanap ng mga awtoridad kung saan anim dito ay residente sa Sitio Bitang, habang ang tatlo ay sa Sitio Compound. VERLIN RUIZ/MHAR BASCO
Comments are closed.