TOKYO – Inaasahang magkakahalaga ang Tokyo 2020 Olympics ng 1.35 trillion yen ($12.6 billion), ayon sa mga organizer.
Gayunman, inamin ng mga opisyal na hindi pa kasama sa budget ang tinatayang three billion yen sa paglipat sa marathon at race walk sa Sapporo, kung saan nakikipagtalo sila sa International Olympic Committee (IOC) sa kung sino ang sasagot sa gastos.
Ayon sa fourth at final version ng Olympic budget, ang revenues mula sa domestic sponsorship at malakas na benta ng tiket ay nagpataas sa income ng 30 billion yen.
Ang overall 1.35-trillion-yen budget para sa Games ay hindi nababawasan o nadaragdagan magmula nang ilantad ang huling bersiyon ng budget noong nakaraang taon.
Mayroon ding 27-billion-yen ‘contingency’ pot para sa posibleng emergencies tulad ng natural disasters.
Nakikipagnegosasyon pa ang mga organizer sa IOC hinggil sa halaga ng paglipat ng marathon sa northern city ng Sapporo dahil sa inaasahang init sa Tokyo summer.
“This is an unprecedented matter so there are no procedures,” paliwanag ni Gakuji Ito, executive director for planning and finance sa Tokyo 2020.
“We will go into it line-by-line and we will interact with the IOC on a daily basis,” aniya.
Isiniwalat din ng mga organizer ang serye ng countermeasures laban sa mainit na panahon, kabilang ang water mist sprays at special heat-absorbing paint sa mga kalsada na pawang nangangailangan ng budget.
Hinikayat ng IOC, nag-iingat sa paglobo ng budget sa hosting ng Games, ang Tokyo na magbawas pa.
Ang Tokyo 2020 budget ay hinati sa pagitan ng Organizing Committee, ang Tokyo Metropolitan Government, at ang national government, na responsable sa 150 billion yen – pangunahin para sa halaga ng bagong National Stadium.
Comments are closed.