UPANG masiguro ang tagumpay, nakahanda ang Premier Volleyball League (PVL) na iurong ang petsa ng official restart nito sa huling bahagi ng Mayo.
“We can hold it towards the end of May,” pahayag ni PVL president Ricky Palou sa online version ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.
Ayon kay Palou, 12 teams ang sasabak sa inaugural tournament ng PVL bilang isang professional league, na aarangkada sa Mayo 8 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Subalit dahil sa extra-long layoff at iba pang restrictions na dulot ng COVID-19 pandemic, nanawagan ang mga koponan sa PVL na bigyan sila ng dagdag na panahon na makapagsanay.
“There have not been a lot of play for over a year now and the players may be overexcited and hurt themselves,” ani Palou.
Sa dagdag na panahon ay matitiyak din ng liga na ipinatutupad ang lahat ng health and safety protocols, kabilang ang pag-test sa halos 325 katao na may kinalaman sa torneo.
Sa kabuuang bilang, 240 ang bubuo sa 12 teams, mula sa players, coaches at iba pang mga opisyal. Ang nalalabi ay league officials, medical staff at maging mediamen.
Ang torneo ay tatagal ng dalawang buwan kung saan dalawang games ang lalaruin anim na araw sa isang linggo. CLYDE MARIANO
Comments are closed.