PASIG CITY – LABINTATLO katao ang inaresto ng pulisya makaraang mahuli sa pot session habang nagsusugal at ipinantataya ang droga.
Ayon kay PCol. Moises O Villaceran Jr., hepe ng Pasig-PNP, kabilang sa nadakip ay isang 17-anyos.
Alas-9:30 ng gabi nang masakote sa akto ang mga suspek habang nagpapalitan ng pangsinghot ng droga sa Austria Compound, Brgy. San Joaquin, ng nasabing lungsod.
Nabatid na ipinaalam umano ng isang concerned citizen kay PSMS Lorenzo M. Cambri Jr., nakatalaga sa EPD Trafic Division, na mayroon umanong pot session at mga nagsusugal ng dice na nagaganap sa nasabing lugar.
Agad na humingi ng responde si Cambri sa kanyang mga kabaro kaya nadakip ang 13 suspek.
Nakumpiska mula sa mga ito ang apat na dice, P380 betting money, limang disposable lighter, isang aluminum foil strip na may bahid ng pinaghihinalaang shabu, isang rolled aluminum foil at isang improvised water pipe. ELMAR MORALES
Comments are closed.