QUEZON CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng mga tauhan ni Director, Chief Supt Joselito Esquivel Jr. ang 19 suspek sa kasalukuyang anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City.
Una na rito ang pagkakaaresto ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni Supt. Camlon Nasdoman sa buy bust operation laban kay Cristine Bertita, 38-anyos, ng Brgy. Sto. Domingo, bandang alas-11:30 ng gabi, Pebrero 6, sa No. 39 Samat St., Brgy. Sto. Domingo.
Nakuha mula sa supek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at ang buy bust money.
Habang ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni Rodrigo Soriano ay inaresto sina Edemel Ferrer, 32 at Edgardo Banzuelo, 49-anyos, na kapwa mula sa Brgy. Paltok, bandang alas-6:15 ng gabi, Pebrero 6, sa No. 115 Gomez St., Brgy. Paltok. Kung saan nakuha mula sa suspek ang may 4 na pakete ng shabu at ang buy bust money.
Sa Fairview Police Station (PS 5) naman sa ilalim ni Supt Benjamin Gabriel Jr. ay naaresto ang suspek na sina Alfredo Ricalde, 56, Marwin David, 21, Edna Legarda, 52, Daisy Ricalde, 56, Melba Manlangit, 43, kapuwa mga residente ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Franklin Meru, 39, Brgy. Greater Fairview at Ruben Entrata, 37, ng Caloocan City,na inaresto bandang alas-9:00 ng gabi nito lamang Miyerkoles sa kahabaan ng Visayas Ave., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches. Nakuha mula sa mga suspek ang may (8) pakete ng hinihinalang shabu, (2) cellular phone at ang buy bust money na ginamit sa operasyon. Ang mga ‘Ricaldes’, Manlangit, David at Legarda ay kasali sa listahan ng Brgy. Sta. Lucia, Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watch list.
Sa Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni Supt Joel Villanueva ay naaresto ang mga suspek na sina Freddie Cañeta, 42, Arman Solis, 20, Jerry Faurillo, 41, at Ernesto Onoya, 57, kapwa mula sa Brgy. Payatas.
Haharap ang mga inaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ng taong 2002. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.