AABOT sa isang milyong trabaho ang nakalaan para sa skilled Filipino workers sa Middle East, kabilang na ang UAE, Saudi Arabia at Oman.
Naghihintay para sa mga Pinoy ang trabaho sa mga hotel, restaurant at resorts, maging sa constructions sites.
Ito ay matapos magkasundo ang bansa at tourism sector sa Kingdom of Saudi Arabia na maglaan ng trabaho para sa mga Pinoy
Ayon kay PY Caunan, undersecretary for policy and international cooperation ng Department of Migrant Workers (DMW), kailangan ng UAE ng skilled workers kaya bukas ang trabaho sa Pinoy na may malaking kasanayan sa pagtatrabaho.
Nabatid na ang Oman at Qatar ay interesado rin na tumanggap ng Pinoy skilled workers dahil alam nilang masipag at matiyaga ang mga Pinoy.
-VICK TANES