2 ASSOCIATE JUSTICE ITINALAGA NI DUTERTE

ITINALAGA  ni Pangulong Rodrigo Duterte si Caloocan City Branch 122 Presiding Judge Georgina Dumpit Hidalgo bilang bagong associate justice ng Sandiganbayan.

Ang appointment papers ni Hidalgo na  kapalit ng nagretirong si Associate Justice Rodolfo Ponferada ay  inilabas  kahapon ng Malakanyang.

Si Hidalgo na nagtapos ng abogasya sa University of Santo Tomas ay dating assistant prosecutor na na­ging  presidente rin ng Philippine Judges Association ay nagtuturo sa UST Faculty of Civil Law.

Samantala, si Las Piñas City Branch 255 Presiding Judge Emily Alino-Geluz bilang bagong associate justice ng Court of Appeals.

Si Geluz ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila University taong 2000 at dati ring presiding judge ng Metropolitan trial Court ng Imus, Cavite.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment papers ni Alino-Geluz noong Abril 30, 2018.

Pinalitan ni Alino-Geluz ang nagretirong si Associate Justice Leoncia Dimagiba.   EVELYN QUIROZ

 

Comments are closed.