NAGTALA ang foreign portfolio investment ng net outflow na $206.35 million noong Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng central bank, ang total inflows ay bumaba ng 18.4 percent sa $1.212 billion habang ang total outflows ay bumagsak ng 6.0 percent sa $1.418 billion.
Ang inflow ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa Filipinas kaysa lumabas, habang ang outflow ay nagpapakita na mas maraming pondo ang lumabas ng bansa.
Ang pinakahuling net outflow ay mas mataas sa $24.35 million noong Mayo 2017, at mas mababa sa $279.29 million na naitalang net inflow noong nakaraang Abril.
“This may be attributed to higher United States Treasury yields and investor concerns about a weaker peso and rising oil prices which may affect inflation,” pahayag ng BSP.
Sa report ng Reuters, ang US 10-year treasury yields ay nagposte ng seven-year high na 3.128 percent noong Mayo.
Ayon sa BSP, karamihan sa investments noong Mayo ay nagmula sa United Kingdom, US, Singapore, Malaysia at Hong Kong, na bumubuo sa combined share na 74.8 percent.
Karamihan sa investments ay inilagak sa securities na nakatala sa Philippine Stock Exchange, pangunahin sa mga bangko, holding firms at property companies.
Comments are closed.