NUEVA VIZCAYA – DAHIL sa programang “Balik Loob’’ ng gobyerno tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Army sa sa Palaway, Alfonso Castañeda.
Sa ipinadalang ulat ng tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 2, na ang pagpapatupad ng Oplan Hikayat at Delta ng 201st Company ng Regional Mobile Force Battalion at 84th Infantry Battalion Philippine Army ang nagbunsod upang sumuko ang tatlong miyembro ng NPA.
Ang tatlong miyembro ng kilusan ay kinilala sa alyas Diego, 36, alyas Jonie, 38, at alyas Jun, 41, pawang miyembro ng makakaliwang kilusan.
Ayon sa tatlo, gutom at hirap sa patago-tago at pakikibaka sa mga kinanuukulan na kanilang dinaranas sa kabundukan ang nagtulak sa kanila na magbalik-loob sa pamahalaan.
Ang tatlong NPA members ay mabibigyan ng financial at livelihood assistance para sa kanilang pagbabagong buhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. IRENE GONZALES
Comments are closed.