CAVITE – KALABOSO ang 11-katao na sinasabing nasa drug watchlist bilang street level target (SLT) makaraang makumpiskahan ng 10.90 gramo ng shabu at 15.24 gramo ng marijuana sa isinagawang drug bust operation sa magkahi-laway na barangay sa Imus City, Cavite kamakalawa ng madaling araw.
Isinagawa ang unang anti-drug operation sa bahagi ng Tanzang Luma Road sa Barangay Tanzang Luma 6 sa Imus City kung saan nasakote ang mga suspek na sina Edna “Tyang Dely” Mascardo y Saunar, 44; Renato Remo y Calatrava, 59; Richard Egana y Palma, 42, trike driver, pawang nakatira sa Brgy Tanzang Luma 6, Imus City; Michael Salaguinto y Maligalig, 36, ng Block 17 Lot 35, Brgy Anabu 2-E, Imus City; Darlene Dalao y Pagtakhan, 38, Brgy Anabu 1-G Imus City; Emily Besorio y Lomocso, 31, waitress, ng Block 1 Lot 8 Paladio Roma City, Cita Italia, Bacoor City; at si Rene Villanueva Jr y Cifra, 24, ng # 602 Brgy Anabu 1-E Imus City.
Base sa ulat ng pulisya, nasamsam sa mga suspek ang 10.90 gramo ng shabu na may street value na P74,120 habang nakumpiska rin ang ilang drug paraphernalia at marked money na ginamit sa drug bust operation.
Samantala, isinagawa rin ang anti-drug operation sa bahagi ng Phase 3 Barcelona Subd. sa Brgy. Buhay na Tubig kung saan nasakote ang mga suspek na sina Adam “Jam” Espina y Sanchez, 18, student; John Marvin Castroverde y Caranay, 21, student; Jazzpher Aaron Lacap y Emia, 20, student, pawang nakatira sa Barcelona Phase 3, Brgy Buhay na tubig, Imus City; Christian Mendoza y Lorente, 19, ng Phase 6 sa Brgy. Molino, Bacoor City Cavite.
Narekober sa mga suspek ang 16 plastic sachet na pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 15.24 gramo habang nasamsam rin ang P200 marked money na ginamit sa drug bust operation ng pulisya at PDEA 4A.
Isinailalim sa drug test at physical examination ang mga suspek habang pina-chemical analysis naman sa Cavite Provincial Crime Laboratory Office sa Imus City ang nasamsam sa shabu at marijuana sa pag-sasampa ng kasong paglabag sa RA9165 laban sa mga suspek. MHAR BASCO
Comments are closed.