MASBATE – BILANG gantimpala at makapagsimula ng normal na pamumuhay, bibigyan ng 30 fiber boats ang mga dating rebelde ng nagbalik-loob sa lalawigang ito.
Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol ang mismong may programa nito na naglalayung maging bahagi ng social integration program ng pamahalaan.
Ayon kay BFAR Bicol spokesperson Nonie Enolva, layunin nito na mabigyan ng hanapbuhay ang mga dating kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagbalik loob sa pamahalaan.
Dagdag pa ng opisyal na maaari nang magamit ang naturang mga bangka sa pangingisda ng mga ito upang makatulong sa kanilang kabuhayan.
Aniya, inilalatag ng pamahalaan ang lahat ng programa na maaaring lahukan ng mga ito lalo na ang mga malapit sa coastal community, subalit kung nasa bulubundukin naman naninirahan ang mga ito ay inaalok ang backyard fishpond operations o farming.
Umaasa si Enolva sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan ay mahihikayat ang iba pang mga local terrorist na sumuko na rin upang makapagbagong buhay. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.