4  DRUG SUSPECTS ARESTADO, P340K SHABU NASAMSAM

shabu

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. ang apat na drug suspect at nakuhanan pa ng P340, 000.00 na halaga ng shabu sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Batasan Police Station sa Quezon City.

Ayon kay PBGEN Esquivel Jr, nagkasa ang mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni  PLTCOL Joel Villanueva at naaresto ang mga suspek na sina Cornelio Cepida Jr,  alias Pida, 24, ng Caloocan City;  Angelica Espina,  alyas Pangit, 29, ng Brgy. Sauyo; Jose Recto, 51-anyos, ng Brgy. Bagong Silangan, at Teresa Asis, 35, ng Brgy. Culiat, na naaresto bandang alas -5:00 ng hapon, Hunyo 23, sa kahabaan ng Payatas Road sa kanto ng IBP road, Litex, Brgy. Commonwealth.

Ito ay matapos magpanggap na buyer ang isang pulis at bumili ng halagang P25,500.00 sa mga suspek na dahilan ng pagkakaaresto ng mga suspek, nakuha rin mula sa mga suspek ang 2 medium sachets ng shabu, 4 small sachets ng  shabu na tinatayang nagka-kahalaga ng P340,000.00 at ang buy bust money na ginamit sa operas­yon. Ang naturang mga suspek ay bagong drug personalities ng estasyon.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Habang ang mga nakumpiskang ilegal na droga naman ay itinurn-over sa crime laboratory. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.