QUEZON CITY – MATAPOS maaresto ng mga tauhan ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie S. Montejo ang apat na drug suspects ng mga tauhan mula sa Masambong Police Station (PS 2) nakuha rin mula sa kanila ang mahigit na P600,000 sa buy bust operations sa lungsod na ito.
Ayon sa ulat bandang alas-11:30 ng gabi noon lamang Nobyembre 3 nang ikasa ng mga tauhan ng anti-drug operatives mula sa police station 2 sa ilalim ni PMaj. Hector Ortencio, ang buy bust operation sa Blk. 2 Lot 2 Sitio Mendez, Brgy. Baesa kung saan naaresto ang mga suspek na sina Lito Aquino, 47, ng Brgy. Baesa; at Judith Gilo alyas Dith, 39-anyos, ng Seminary Rd., Toro Hills.
Habang nakuha mula sa mga suspek ang may 90 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P637,200.Nakumpiska rin ng mga pulisya ang digital weighing scale, cellular phone at ang buy bust money na ginamit sa operasyon. PAULA ANTOLIN