APAT na miyembro ng New Peoples Army at dalawang sundalo ang nasawi sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Army community protectors at komunistang rebelde sa Sitio Green Valley, Dalwangan, Malaybalay City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Capt. Rhyan Delgado, kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang Patrol Base ang tropa ng 403rd Brigade ng Phil. Army sa kahilingan ng mga residente makaraang salakayin sila ng may 30 NPA.
Nasamsam ng Army troopers ang dalawang M16 rifles, 2 nakahandang sumabog na anti-personnel mines na nakakabit sa 200 metrong kawad ng koryente, 2 ammunition magazines para sa M16.
Galit namang ipinag-utos ni 403rd Infantry Brigade Commander, Col Edgardo De Leon na huwag lubayan ang pagtugis sa mga tumatakas na NPA na walang habas pa ring gumagamit ng landmine na ipinagbabawal sa ilalim ng Geneva Convention.
Ayon kay Ka Malen Mabini Spokesperson ng NPA-NCR, sinalakay nila ang Special Forces Patrol Base at nakakuha sila ng pitong baril at nakapatay ng dalawang sundalo mula sa 1st Special Forces Civilian Active Auxiliary Patrol Base sa Green Valley, Brgy. Dalwangan, Malaybalay City. VERLIN RUIZ
Comments are closed.