SULU-LIMANG kasapi ng Philippine Army 3RD Scout Ranger Battalion na nagsisilbing blocking force ang nasugatan ng makasagupa ang isang grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf na hinahabol din ng 5th Scout Ranger Battalion sa lalawigang ito.
Ayon kay Joint Task Force Sulu commander Maj. Gen. William Gonzales , unang nakasagupa ng mga Scout Ranger ang grupo ng Abu Sayyaf sa Barangay Pansul, Patikul, Sulu.
Sa ulat ni Lt. Col. Felicito Cutit, Commander ng 3SRB, tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok kung saan sugatan ang limang sundalo.
Pinaniniwalang marami rin ang casualty sa hanay ng Abu Sayyaf batay sa mga bakas ng dugo.
Nakatakas ang mga terrorista, tangay ang kanilang mga sugatang kasamahan.
Narekober ng mga tropa sa encounter site ang 5.56mm linked ammunition, isang 5.56mm magazine, at mga personal na gamit ng mga kalaban.
Ayon kay 1101st Infantry Brigade Commander Col. Antonio Bautista, nasa stable condition na ang mga sugatang sundalo matapos dalhin ang mga ito sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital. VERLIN RUIZ
Comments are closed.