LAGUNA –MATINDING galit ang umano’y motibo sa pagpaslang sa isang lady driver sa loob mismo ng kanyang sasakyan sa Bucal Bypass Road, Brgy. Maunong, Calamba City.
Nadiskubre dakong alas-10:24 ng gabi noong Linggo ang labi ni Robyn Jang Lucero, 32-anyos, sa loob ng kanyang kotse na kaniyang ginagamit para mamasada.
Sa imbestigasyon, nagtamo ng 52 saksak ang dalaga na sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa pahayag ng ina ng biktima kay PLt. Col. Gene Licud, hepe ng Calamba-PNP, tatlo ang kinontrata ng kaniyang anak para ihatid subalit hindi na ito nakauwi hanggang matagpuan ang kanyang labi sa sariling sasakyan na wala nang buhay.
May ulat din na galing si Lucero sa tahanan ng kanyang kasintahan sa bayan ng Bay bago mangyari ang insidente. DICK GARAY
Comments are closed.