Laro ngayon:
(UPHSD Gym)
4 p.m. – Perpetual vs LPU (Men)
TARGET ng Lyceum of the Philippines University na makatabla ang Letran sa ikatlong puwesto sa pagbisita nito sa University of Perpetual Help System Dalta ngayon sa NCAA men’s basketball tournament.
Inaasahang maglalaro si energetic guard Jaycee Marcelino para sa Pirates na magtatangka sa kanilang ika-4 na sunod na panalo sa kanilang 4 p.m. duel sa Altas sa huling NCAA on Tour leg sa Las Piñas.
Pinagpahinga ni coach Topex Robinson si Marcelino sa 95-77 panalo ng LPU laban sa Jose Rizal University noong nakaraang Hulyo 26 at ang pagkansela sa laro noong Biyernes kontra Arellano University ay nakatulong din sa kanya kahit papaano.
“We are looking at the long stretch and we wanted to have him fresh. Kasi knowing Jaycee, walang off. Kumbaga, he always works hard. He has to be smart on his body,” wika ni Robinson. “’Yung worry namin is the burnout.
‘Yun lang naman. Nothing really serious.” Dapat abangan ang match-up ni Marcelino kay Edgar Charcos ng Perpetual sa back-court.
Ang panalo ay magtatabla sa Pirates sa Knights sa 5-1. Nananatiling magkasosyo ang defending champion San Beda at ang Col-=lege of Saint Benilde sa ibabaw ng standings na may 4-0 kartada.
Pinutol ng Altas ang three-game losing skid sa pamamagitan ng 75-73 panalo laban sa Chiefs noong nakaraang Hulyo 30. Nakatakda sana nilang makasagupa ang San Sebastian noong Biyernes, subalit nakansela rin ang laro dahil sa masamang panahon.
Comments are closed.