64 CUSTOMS EMPLOYEES BINALAAN NA NI DU30

DUTERTE-39

“LEAVE  or lose everything?”

Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 64 na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na nasasangkot sa isyu ng korupsiyon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa 118th Police Anniversary celebration sa Camp Crame.

Ayon sa Pangulo, kung hindi magkukusang magbitiw sa puwesto ang mga naturang empleyado ng Customs, ay hindi siya magdadalawang isip na itulak ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga ito.

Titiyakin din niyang mawawala ang lahat sa mga nasabing tiwaling opisyal, at tatagurian aniya itong kahiya-hiyang opisyal ng gob­yerno.

Matatandaang ipinatawag ni Pangulong Duterte ang 64 na empleyado ng Customs sa Malacañang at iginiit na walang puwang sa kaniyang administrasyon ang anumang uri ng katiwalian.

Inilagay sila ng Pa­ngulo sa floating status hangga’t hindi pa nasasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Comments are closed.