Standings:
W L
NLEX 7 1
TNT Katropa 7 1
Meralco 6 2
Barangay Ginebra 5 3
San Miguel Beer 5 3
Magnolia 4 4
Columbian 4 5
NorthPort 3 5
Alaska 3 6
Phoenix 2 6
Rain or Shine 2 7
Blackwater Elite 2 7
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – San Miguel vs Blackwater
7 p.m. – Phoenix vs Magnolia
PUNTIRYA ng three-peat seeking San Miguel Beer ang ika-6 na panalo sa siyam na laro at palakasin ang kanilang kampanya sa ‘Final Four’ sa pakikipagtipan sa Blackwater sa PBA Governor’s Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Nakatakda ang salpukan ng Beermen at Elite sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng defending champion Magnolia Hotshots at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi.
Liyamado ang SMB dahil lamang sila sa tao at mahusay ang kanilang import na si Dez Wells ngunit hindi sila dapat magkumpiyansa dahil may kakayahan ang Blackwater na manilat
Ang Beermen ay nasa ika-4 na puwesto katabla ang Barangay Ginebra na may 5-3 kartada, sa likuran ng league-leading sister teams Talk ‘N Text at NLEX na may 7-1.
Pinaalalahanan ni coach Leo Austria ang kanyang tropa na maglaro nang husto at huwag maliitin ang kakayahan ng Blackwater.
Muling pangungunahan ni Wells ang opensiba ng SMB at babantayan ni June Mar Fajardo ang shaded area, katuwang sina skipper Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos, Terrence Romeo, at Von Passumal.
Nakahanda namang harangin nina Michael Vincent DiGregorio, Roi Sumang Abu Tratter, Rey Mac Belo, Gelo Alolino, Allein Maliksi, James Sena at Paul Desiderio ang scoring threat ng SMB.
Pinapaboran din ang Magnolia, na muling pagbibidahan ni Romeo Travis laban sa Phoenix upang kunin ang ika-5 panalo sa siyam na asignatura.
Makakatuwang ng kaliweteng si Travis sina Marc Andy Barroca, Jio Jalallon, Paul Lee, Robert Herndon, Ian Sangalang at Rome dela Rosa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.