BENGUET – AABOT sa P1 milyon ang halaga ng natanggap na benepisyo mula sa pamahalaan ng 70 na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) at militia sa Ifugao.
Tinanggap ng mga benipisyaryo ang insentibo sa isinagawang mass awarding ng assistance mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at provincial grants.
Tatlo sa mga ito ang nakatanggap ng tig-P65,000 bilang immediate cash at livelihood assistance habang ang mga dating kasapi ng Militia ng Bayan ay nakatanggap ng tig-P15,000.
Naibigay rin ang P45,000 hanggang P100,000 para sa mga isinukong armas sa ilalim ng firearm remuneration. GELO BAIÑO
Comments are closed.