WALO sa bawat sampung Filipino ang nagtitiwala at pabor sa performance ng Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa inilabas na pag-aaral ng Pulse Asia nitong Miyerkoles.
Sa resulta ng survey, napanatili ng Pangulo ang pagiging ‘most trusted’ na opisyal ng gobyerno .
Isinagawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang 30, kung saan nakakuha si Duterte ng 85 percent na approval at trust rating.
Ang nasabing pigura ay mababa ng dalawang puntos sa 87 porsiyentong nakuha nito noong nakalipas na buwan ng Marso at isang punto namang mas mababa kumpara noong taong 2018 ng kahalintulad na buwan ng Hunyo.
Magugunitang nakapagtala rin ang Pangulo ng personal record-high satisfaction rating na 80 percent base naman sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) sa gitna ng samu’t-saring kontrobersiyang kinakaharap ng administrasyon.
Habang si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 55 porsiyentong approval rating habang 52 percent ang trust rating.
Si Senate President Tito Sotto III ay nakakuha ng 77 percent na approval rating at 73 percent na trust rating.
Habang si dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ay nakakuha ng 26 percent na approval rating at 22 percent na trust rating.
Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin naman ay mayroong approval rating na 41 percent at 35 percent na trust rating.
Samantala, ikinatuwa ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang resulta ng Pulse Asia Survey para sa awareness at performance ng mga top national official.
Aniya, ipagpapatuloy nito ang mandato at pagtutuunan ang pagsasagawa ng mga batas na higit na pakikinabangan ng nakararaming mamamayang Filipino. VERLIN RUIZ, VICKY CERVALES
Comments are closed.