NASA P3.130 trillion o 85.5% ng P3.663 trillion obligation program para sa fiscal year 2019 ang naipalabas na hanggang noong Hunyo, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa P3.130-trillion na naipalabas, may P1.882 trillion ang para sa allotments sa line departments, na kinabibilangan ng pondong inilaan para sa mga ahensiya sa Executive branch, Congress, Judiciary, at iba pang constitutional offices.
“In addition, fund releases from Special Purpose Funds (SPFs) amounted to P159.8 billion,” ayon sa DBM.
Ang Special Purpose Funds (SPFs) ay budgetary allocations sa General Appropriations Act na inilaan para sa partikular na socio-economic purposes tulad ng Budgetary Support to Government Corporations, Allocation to Local Government Units, Contingent Fund, Miscellaneous Personnel Benefits Fund, National Disaster Risk Reduction and Management Fund, at Pension and Gra-tuity Fund.
Para sa automatic appropriation, ang allotment na ipinalabas ay nagkakahalaga ng P1.055 trillion, o 98.4% ng programa para sa automatic appropriations.
Comments are closed.