9 DATING REBELDE TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE

FINANCIAL ASSISTANCE

BULACAN – SIYAM na miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na pinamumunuan ni Ka Fernan ang tumanggap ng financial assistance mula kay Bataan Governor Albert S. Garcia.

Tatanggap ng tig-P10,000 ang bawat sumuko na  rebelde resulta ito ng mas pinaigting na pakikipag­ugnayan sa mga breakaway ng NPA.

Isinuko na rin ng mga rebelde ang  isang improvised M14 rifle,cal.38 at mga bala.

Kabilang sa sumaksi sa pag-a-award ay sina Ltc. Arnel B. Cabugon Commanding Officer, 48IB; at Bataan PNP Provincial Director P/Supt. Romel Velasco.

Bukod sa financial assistance  ipi­noproseso na rin ang livelihood assistance sa mga dating rebelde.

Kasabay nito’y hinimok ang iba pang mga kasamahan ni Ka Fernan sa Bataan, Bulacan at Pampanga na bo­luntaryong sumuko.

Ayon kay Cabugon, huwag nilang ituring ang kanilang mga sarili na RHB at suportahan ang mga programa ng pamahalaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.