CAMARINES SUR – PATAY ang siyam katao habang apat ang nasugatan matapos na sumalpok ang isang van sa pampasaherong bus sa Pamplona kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report ng Camarines Sur PPO, biyaheng Maynila ang pampasaherong bus na minamaneho ni Leonardo Camu, habang tinatahak naman ni Armani Calpe isa sa mga nasawi, driver ng U.V. Express Van ang direksiyon patungong Naga City nang magkasalpukan sila sa Maharlika Highway sakop ng Barangay San Vicente.
Sa lakas ng impact, wasak ang passenger van at halos lumipad ang bubong nito na naging sanhi ng dagliang kamatayan ng walong pasahero nito at malubhang ikinasugat ng apat na iba pa.
Kahapon ng umaga sumuko naman ang driver ng bus sa Libmanan-PNP at posibleng maharap sa kasong recless imprudence resulting to multiple homicide at multiple physical injuries at damage to properties. VERLIN RUIZ
Comments are closed.