May payo si Ogie Diaz sa internet personality na si Xian Gaza na kilala ngayon bilang “Marites” ng bayan. Tigilan na sana nito ang paggawa ng tsismis.
Nagkataong ninong si Gaza ng bunsong anak ni Ogie kaya nakakausap niya ito ng person to person.
“Sinabihan ko si Xian na, ‘Pare, tigilan mo muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba,’” aniya. Naghihinala kasi ang mga fans ng Lizquien na magkakutsaba silang dalawa sa latest tsikang nang-iintriga kina Liza Soberano at Barbie Imperial via Facebook.
Pay post din si Gaza na nang-iintriga kina Barbie at Daniel Padilla, na hindi naman pinatulan ng mga loyal KathNiel fans, dahil naniniwala silang loyal talaga si Daniel sa longtime girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.
Nakiusap din si Ogie kay Xian na huwag na silang banggitin ni Liza. “Nadadamay kasi kami,” ani sikat na talent manager. “Baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post niya.”
Ani Ogie, magkakilala sina Xian at Liza pero hindi sila “super close” at hindi rin sila nagko-communicate. Nag-sorry na raw si Xian kay Liza.
“Nag-message ako kay Xian at nagso-sorry naman siya sa amin ni Liza,” aniya. “Hindi kita (Gaza) titirahin, sasabihin lang namin ‘yung totoo at ito nga ho yung totoo — wala kaming kinalaman doon.”
Nag-post si Xian kamakailan ng litrato ni Barbie kasama ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, na may intriguing questions pang nagli-link kay Daniel kay Barbie.
Binalewala naman ito ni Kathryn at para naman kay Daniel, wala itong kwenta. – KAYE NEBRE MARTIN