TILA wala nang kinatatakutan at pinipili ang mga scammer ngayon. Mantakin ninyo na nagagawa nilang biktimahin ang mga artista at mga anak ng artista.
Walang silbi o epekto ang mga nagkalat na CCTV dahil walang takot nilang hinaharap pa ang mga bibiktimahin.
Tulad nang nangyari sa mga anak ni Ai Ai delas Alas na nabiktima ng online scammer. Si Sancho delas Alas ay nabiktima ng pinagbentahan niya ng relo, habang ang dalaga ni Ai Ai na si Sophia ay nabiktima ng ticket na binili niya para sa isang Korean artist.
Warning at panawagan nga ni Ai Ai sa kanyang Instagram post sa netizen:
“MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER – kagabi sabay pang na-scam ang mga anak ko. Si Sancho kasi maraming relos, ibinebenta na niya ‘yung iba tutal ‘di naman na niya nagagamit. At si Sophia naman sa ticket, para sa oppa Cha Bun Woo…
“Hay naku kung sino man kayong mga demonyo kayo ‘di man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma..makuha n’yo man ‘yan, di n’yo din ‘yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nagwawagi.
“Maging aral na lang ito sa kanila at sa atin na mag-ingat sa online sellers and buyers…magandang umaga.”
RELASYONG DEREK AT ANDREA ‘DI NA NAKAPAGTATAKA
HINDI na nakagugulat kung magkaroon ng relasyon sina Derek Ramsay at Andrea Torres dahil kilala diumano raw ang actor na matinik sa babae.
Hindi naman masisisi ang mga kababaihan na mahulog ang loob sa actor dahil malakas talaga ng appeal nito sa mga kababaihan.
Pero ang pinangangambahan ng mga nagmamahal kay Andrea ay baka raw umano matulad din ito sa mga naging babae o karelasyon ng actor na hindi rin nagtagal ang pagmamahalan na nauwi rin sa hiwalayan.
Ang paghihiwalay ng dalawang nagmamahal ay mas talo ang babae kaysa sa lalake. Sana lang ay si Andrea na nga ang huling babae maka-karelasyon ni Derek.
Samantala, mananatili pa rin at hindi lilisanin ni Andrea ang Bubble Gang na napanonood every Friday sa GMA 7.
Naging busy lang si Andrea kaya hindi muna ito napapanood sa longest-running gag show sa telebisyon, pero siguradong babalik siya sa BG kapag tapos na ang mga commitment.
Sa BG kasi nakita at natagpuan ni Andrea ang kasiyahan at tagumpay na tinatamasa niya ngayon kasikatan.
ARNELL IGNACIO NAGPATUTSADA KAY VICE GANDA
HINDI feel ni Arnel Ignacio ang ipinalabas na eksena sa programa ni Vice na Gandang Gabi Vice last Sunday na kung saan nag-viral nga ang bakla na naka-uniform ng Boy Scout na nagtatarayan at nagpapagalingan sa pagsasayaw.
Mistulang parang sinusulsulan kasi ni Vice ang mga bata na magtarayan at magkabugan sa pagsayaw habang nakasuot ng Boy Scout uniform.
Ang reaksyon ni Arnell:
“Lintek naman! Ako, bading na, ha? Pero dapat namang alamin natin na HINDI lahat ng nakakaaliw ay tamang bigyan ng ganyang atensyon.” Sinang-ayunan din ng ilang fashion designer.
“Isn`t this a disrespect of the Boy Scout`s uniform? And Creed of Honor?” aniya
Halos ganoon din ang reaction ng ibang baklang komedyante.
Nagkakaisa silang nagsabi na, “Tapos, naka-uniform pa sila…Discrepect nga yan!”
Well, ano kaya ang maging reaction at masasabi ni Vice sa pasaring at patutsada sa kanya ni Arnell Ignacio?
Comments are closed.