AI AI UMAPELA SA PAGSALAULA KAY MAMA MARY

HINDI kinaya ng komedyanang si Ai Ai delas Alas ang ginawang pagsalaula sa The pointimahe ni Jesus Christ, Blessed Virgin Mary at St. Joseph sa isang Netflix movie.

It’s a common knowledge naman na isang devout Catholic at Marian devotee ang bida ng “3Pol Trobol: Hula Ka Balbon.”

Sa kanyang panawagan sa kanyang social media account, hinihikayat niya ang lahat na pumirma para ipahinto ang pagpapalabas ng “The First Temptation of Christ,” isang religious Brazilian satire movie na mapapanood sa Netflix.

Para sa kanyang blasphemous ang ginawang paglalarawan ng pelikula sa Holy Trinity.

“Patawarin mo po sila LORD [clasp hands emoji].. sign the petition to stop showing this sa NETFLIX —[frowning emoticons] sino man ang gumawa nito masusunog kayo sa impiyerno.. #sacrilege #blasphemy,” ang reaksiyon ni Ai Ai laban sa Netflix movie na inaalmahan niya.

Marami naman ang nakikisimpatiya kay Ai Ai at agree sila na dapat na  i-boycott ang The First Temptation of Christ na may running time lamang na 46-minutes.

Sey ng iba, not in good taste raw ang ipinakikitang imahe nina Jesus, Mary at Joseph sa naturang pelikula.

Gay si Jesus Christ, humihithit ng marijuana si Virgin Mary, at nagmumura ang mga karakter ang ilan sa mga nakababahala na eksena.

Ang comedy troupe na Porta dos Fundos ang producer ng The First Temptation of Christ pero hindi sila nagpaapekto sa mga banta na i-boycott at alisin sa Netflix ang kanilang kontrobersiyal na pelikula.

Sinabi ng mga producer na homophobic lang ang mga nagpoprotesta laban sa pelikula, pero sa mga survey, na­ngibabaw ang desisyon ng publiko na huwag panoorin ang blasphemous Brazilian Christmas special na direktang pang-iinsulto at paglapastangan sa Panginoong Diyos, kay Jesus Christ, at sa mga karakter na itinuturing na banal.

Comments are closed.