PUSPUSAN ang promotion ng cast ng inspirational drama series na “The Gift” na pinangungunahan ng Asia’s MultiMedia Star na si Alden Richards, kaya kung saan-saan sila nagkakaroon ng mall shows sa pamamagitan ng GMA Regional TV. Pero ang hindi nila alam ay mas nakapagbibigay sila ng saya sa mga tao sa lugar na pinupuntahan nila, lalo na kung sa bandang south, dahil sabi nga nila, bihira silang makakita ng mga artista sa kanilang lugar.
Tulad noong Friday, sa Cebu nagpunta sina Alden, at co-stars niyang sina Jo Berry, Mikee Quintos, Micoy Morales at new Kapuso star na si Thia Thomalla. Maaga pa ay may flight na sila to Cebu, dahil may media conference muna sila mula sa airport sa Golden Cowrie Grill ng mga local press at bloggers.
After the mediacon, tumuloy na sila sa first stop nila, sa Kapuso Mall Show sa Gaisano Fiestamall sa Tabunok, Talisay City in Cebu at 4:00 PM. Grabe ang dumating na mga tao na pumuno sa venue na ginawa na sa labas ng mall dahil hindi sila kakasya sa loob. Based sa video na ipinadala ng fans doon, kitang ang layo ng inabot ng camera na nag-pan sa audience para makita kung gaano karami ang mga tao. Kaya naman masayang-masaya na nagpasalamat ang buong cast sa mainit na pagtanggap sa kanila.
Next stop ng group, ang Kapuso Fiesta sa Danao City Boardwalk sa Danao City, Cebu. Pero bago sila nag-show, nagkaroon pa ng live interview kay Alden ang “Chika Minute” ng “24 Oras.” Si Nelson Canlas ng GMA News ang nag-interview sa Cebu at si Iya Villania-Arellano naman sa GMA Network. Ayon kay Alden, malapit ang Cebu sa puso niya dahil nang mag-artista na siya noon, ang first mall show niya sa probinsiya ay sa Cebu, kaya lagi niyang nilu-look forward kung may promotion siya sa Cebu.
Kaya doon pa lamang, kitang-kita na sa national TV kung gaano karami ang mga taong nagpunta sa mall show. Labis na pasasalamat nina Alden, Jo, Mikee, Mikoy and Thia, at nag-request na huwag nilang kalimutang panoorin ang “The Gift” na nagsimula nang umere noong Lunes, ang world premiere sa GMA Primetime Telebabad, pagkatapos ng “Beautiful Justice.”
MIKOY MORALES KEBER KUNG NAPAPADALAS ANG ROLE NA BADING
Si Mikoy Morales, bihasa na sa pagganap ng role ng isang bading, kaya tinatanong siya kung hindi ba siya binabawalan ng girlfriend na si Thea Tolentino.
Wala raw problema sa kanya kung madalas ay bading ang role niya, wala rin namang sinasabi si Thea, dahil pareho silang artista, wala silang pinipili kung anong role ang tatanggapin nila.
Tulad ngayon, muli siyang gumaganap na gay friend nina Alden Richards at Mikee Quintos sa inspirational drama series na “The Gift.” Ano ang feeling na kasama niya ang tinaguriang Asia’s MultiMedia Star?”
“Parang hindi po ako makapaniwala na kasama ko na siya sa work. Yes, nagkikita kami sa mga events ng GMA pero iyong makatrabaho siya, iba po ang pakiramdam ko. Nakaka-inspire po siya, kasi feeling ko dala niya ang bandera ng GMA.
It’s not hard to admire him. Nakikita ko ‘yung craft niya, ‘yung pagiging genuine, ‘yung laki ng puso niya, it’s an honor.”
Comments are closed.