AMASONA NAPURUHAN SA ENCOUNTER, M-60 MACHINE GUN NASAMSAM

SORSOGON- ISANG babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA)ang napatay ng militar habang ilang mataas na kalibreng baril at mga bala ang nasamsam sa pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Army sa nadiskubreng kuta ng mga rebelde sa lalawigang ito.

Kinumpirma ito ni  Army Capt. John Paul Belleza, DPAO-9TH Infantry Division Spokesman habang nakubkob ng militar ang  ang kanilang pinagkukutaan matapos ang may 45 minutong sagupaan sa  Barangay Daganas sa bayan ng Bulan alas-5:28 ng hapon.

Aabot sa  40 communist NPA terrorists (CNTs) mula Komiteng Probinsya 3 ng  Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa ilalim ng pamumuno ng isang Arnel Estiller alyas Mando ang nakasagupa ng mga elemento ng  22nd Infantry Battalion (22IB) at 31st Infantry Battalion (31IB) .

Nasa security  operations ang mga sundalo kasunod ng sumbong mula sa mga local resident hinggil sa presensiya ng may 40 NPA sa lugar. VERLIN RUIZ

Comments are closed.