ANDREA TORRES NAIYAK SA  B-DAY MESSAGE NI DEREK

ANDREA TORRES

MAY 4 ang birthday ng Kapuso actress na si Andrea Torres, kaya naman miss na miss ni Derek Ramsay ang girlfriend. Kaya bago pa ang birthday ni Andrea nag-showbiz eyepost na siya ng message sa kanyang Instagram: HAPPY BIRTHDAY!! @andreatorres – I know tomorrow is your actual birthday but I want to be the first to greet you.  It saddens me that I can’t be there with you to celebrate but after the quarantine we will definitely do something ok. Love you!

Umani ng maraming likes ang birthday greetings ni Derek na ikinaiyak ni Andrea at sagot niya “Thank you everyone “still crying” haha!

Inabutan si Derek ng lockdown sa house niya kasama ang anak na si Austin at ang kanilang maid sa Manila.  Nasa Pasay City naman si Andrea with her parents.

 

SENIOR NA AMA NI DEREK NAG-DRIVE MAG-ISA FROM TAGAYTAY PARA SA GAMOT NG ANAK

ANG parents ni Derek ay nasa bahay nila sa Tagaytay kaya hiwa-hiwalay sila.  Kaya iniyakan ni Derek ang insidenteng inatake siya ng asthma at wala siyang gamot derek ramsaysa bahay.  Ikinagulat niya nang dumating sa bahay niya ang daddy niya, dala ang gamot na nabili raw ng mom niya sa botika sa Tagaytay.  Ikinatakot niya ang pagdating ng daddy niya dahil senior na ito, 77 years old, at bawal ngang lumabas sila ng bahay.  Ang daddy raw niya ang nag-drive mag-isa ng car, ni hindi raw niya nayakap ang ama dahil sa social distancing, after five minutes na nagkausap sila, umalis na ang dad niya, kaya lalo raw siyang napaiyak. Hinding-hindi raw niya malilimutan ang insidenteng iyon, ang pagmamahal ng isang ama sa anak.

 

GABBY CONCEPCION MISTULANG ERMITANYO NA SA BATANGAS DAHIL SA ECQ

 

MASAYA si Gabby Concepcion kahit naka-lockdown siya sa vacation house niya sa Lobo, Batangas.  Pero bilang na bilang ni Gabby kung ilang araw na siyang naka-lockdown.  At  mukhang hindi siya nag-aahit ng balbas dahil nakikita sa mga Instagram posts niya na humahaba na rin ang buhok niya at biro niya buong katawan na raw niya ay tinutubuan ng buhok.

Pero hindi naman siya nalulungkot mag-isa dahil nagagawa niyang pasyalan ang kanyang farm at namimitas siya ng mga fruits, isa sa paborito niyang kainin ang saging saba.  Hindi rin problema sa kanya ang pagkain, dahil may palaisdaan siya roon at ini-enjoy niya ang air and sunset sa kanyang Amang Lobo house.

Hinihintay na rin ni Gabby ang pagri-resume nila ng taping ng “First Yaya” na nasimulan na nila ni Marian Rivera, nang biglang i-declare ang enhanced community quarantine last March 17.  Pansamantala siyang napapanood sa replay ng Afternoon Prime drama na “Ika-6 na Utos” with Sunshine Dizon and Ryza Cenon, after ng “Eat Bulaga,” Mondays to Saturdays.