ASEAN LEADERS HUMIRIT NG DIYALOGO KAY DUTERTE

PRES-DUTERTE-7

NAIS  makapulong ng mga Asean leader at dia­logue partners nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-33 Asean Leaders Summit sa Singapore sa susunod na linggo.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Junever Mahulum – West, ilan sa mga tatalakayin sa natu­rang pulong ang territorial dispute sa pagitan ng Filipinas at China sa West Philippine Sea.

Gayunman, sinabi ni West na hindi pa pinal ang listahan kung sino-sino ang makakausap ng pangulo sa inihihirit na one-on-one meeting.

Maliban sa mga Asean leader, inaasahan din sa pulong ang top-level delegations ng Estados Unidos, China, Japan, European Union at South Korea.

Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo sa Asean Summit sina Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin at Vice President Mike Pence naman ang kakatawan kay US President Donald Trump.             DWIZ882

Comments are closed.