(Atas ni Duterte sa DOJ) CORRUPTION SA LAHAT NG GOV’T AGENCIES IMBESTIGAHAN

DUTERTE-13

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra na bumuo ng panel na mag-iimbestiga sa katiwalian sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

“I have said enough. Let me just read for everybody. I hope that all government workers, officials are listening. This is my — a memorandum from me, the President, to Secretary Menardo I. Guevarra, Department of Justice. Ang subject is: “[Investigation] of allegations of corruption in the entire government.” Lahat.” pahayag ng Pangulo.

Binibigyan ng kapangyarihan ng Pangulo ang Justice Department na bumuo ng kahit na ilang panels na inaakala nitong kakailanganin sa imbestigasyon at maaari ring mag-imbita o humingi ng tulong sa ibang ahensiya ng pamahalaan upang makatuwang sa gagawing imbestigasyon. na magpasya kung anong alegasyon ng korupsyon ang iimbestigahan.

Ayon sa Pangulo, iimbestigahan ng Justice Department hindi lamang ang korupsiyon sa PhilHealth at Department of Public Works and Highways kundi ang lahat at sinumang sangkot sa katiwalian sa buong Executive branch ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na ang direktiba ay mananatiling epektibo hanggang sa Hunyo 30, 2022.

“Unless sooner lifted or revoked.”Why should I revoke or lift this good order? “For immediate compliance. ‘Yung malaking pera diretso mo na sa Ombudsman if I were to have my say,” giit ng Pangulo.

Nais ng Pangulo na maksihan ang lahat ng mapatutunayang sangkot sa katiwalian maging ang mga ito ay mga taong gobyerno o pribadong mga  indibiduwal.

“But it behooves upon me to see to it to put a stop in corruption — at least to cut it a bit. So we are expanding the investigation against corruption… with special focus on DPWH,” dagdag pa ng Pangulo.

Kasabay nito ay tiniyak ng Pangulo na sa darating na mga araw ay asahan na magkakaroon ng suspension ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng gobyerno.

“So, in the coming days expect suspension – if I suspend you, I have doubt. I won’t suspend people who have not done wrong,” sabi pa ng Pangulo.

If needed, he said he would hire more lawyers in the government to help in the investigation.

Naging abala aniya siya sa paghahanap ng salapi para matugunan ang pangangailangan sa kinakaharap na pandemyang dulot ng COVID-19 kung kaya’t hindi nakapag pokus sa corruption issues sa bansa.

“But now, the focus of the Office of the President itself will be against corruption.” pagtiyak pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.