ANG Ati-Atihan festival ay isinasagawa tuwing ikatlong Linggo ng Enero taon-taon bilang pagkilala sa Santo Niño (Holy Child o Infant Jesus) sa iba’t ibang bayan sa Aklan, isla ng Panay — partikular sa Kalibo. Pinangalanan itong Ati-Atihan o “panggagaya sa Ati”, katawagan sa mga Aeta, mga unang settlers ng Panat.
Originally, isa itong pagan celebration bilang pag-alala sa Barter of Panay, kung saan involved ang hari ng mga Aeta na si Marikudu. Tumanggap sila ng regalong gintong salakot mula sa 10 Bornean Datu bilang tanda ng pagkakaibigan. Dahil dito, pinayagan silang manirahan sa lupain ng mga Auta.
Ipinagdiriwang ang Ati-Atihan na may sayawan at tugtugan, kung saan ang katawan ng mga Borneans ay pinipintahan ng uling upang maging kakulay ng mga Aeta upang ipakita ang kanilang pasasalamat at pagkakaibigan.
Nang dumating ang mga Kastila, binigyan nila ito ng ibang kahulugang may kinalaman sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagdadala ng imahe ng Itim na Santo Niño sa prusisyon.
Ang kasalukuyang festival ay may religious processions at street-parade, kung saan may mga themed floats, mga grupong nagsasayaw habang nakasuot ng makukulay na costumes, bandang nagmamartsa, at mga taong kinulayan ang sarili ng uling upang magmukhang Aeta.
Ang tawag sa street parade ay “Sadsad”, na tawag din ng mga locals sa kanilang sayaw kung saan kinakaladkad ang paa sa lupa sa saliw ng tugtog ng banda. Kahit pa may Christian meaning na ito, tuloy pa rin mga tao sa pagpipinta ng uling sa kanilang katawan bilang pagbibigay-galang sa mga Aeta.
Noong 1200 A.D., bukod sa golden salakot, nagregalo rin si Datu Puti ng mga tansong planggana at maraming maraming tela at mahabang mahabang kwintas na perlas sa asawa ni Haring Marikudu kapalit ng pagbibigay sa kanila ng lupang matitirhan. Ito na ang simula ng pagdiriwang. Nang magkaroon ng taggutom, tumulong ang mga Bornean sa mga Aeta kaya lalo pang tumindi ang kanilang pagkakaibigan. – NV