PINUNAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga personalidad ang mga nabakanteng posisyon sa kanyang gabinete.
Sa appointment papers na inilabas ng Malacañang ay itinalaga ng Pangulo si Alvin Feliciano bilang chairperson ng Presidential Commission for the Urban Poor.
Habang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) si Noel Kinazo Felongco kung saan nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper nito noong Oktubre 31 din.
Samantala, inilabas na rin ng Malacañang ang appointment papers ni Eduardo Año na itinalaga bilang ad interim secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Kasama sa mga itinalaga ng Pangulo si dating Congressman Karlo Nograles bilang Secretary to the Cabinet.
Comments are closed.