BAKBAKAN TITINDI PA

BEERMEN-VS-KINGS

LALO pang titindi ang ‘sibling rivalry’ sa pagitan ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra.

Ito ang paniniwala ni Ginebra coach Tim Cone kasunod ng tambak na panalo ng Beermen laban sa Kings sa  Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup finals noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

“It certainly got chippy,” wika ni Cone matapos ang laro.  “I think you’re gonna see that throughout the whole series.”

Matapos matalo sa Game 1 noong Biyernes ay rumesbak ang defending champion San Miguel sa Ginebra sa pagtarak ng  134-109 panalo para itabla ang serye sa 1-1.

“It’s funny,” ani Cone.  “We’re sister teams, but we’re not friendly. Honestly, we’re not friendly with them at all.”

Ang dalawang koponan ay kapuwa gigil sa kampeonato. Ang Beermen ay determinadong mapanatili ang kanilang Commis­sioner’s Cup crown, at lumapit sa Grand Slam, habang nais ng Gin Kings na maagaw ang titulo.

Samantala, hindi naisalba ni import Justin Brownlee ang Ginebra laban sa San Miguel sa Game 2 dahil sa kawalan ng suporta mula sa locals.

“Man, the defending champs happened,” wika ni Brownlee.

“They came out and played tough, played very hard and tonight, showed why they’re winning a lot of championships in the past.”

Humataw pa rin si Brownlee para sa crowd favorites sa kinamadang 29 points, 6 rebounds, 5 assists, at 3 steals sa 39 minutong paglalaro. Subalit taliwas sa Game 1, wala siyang nakuhang suporta mula sa locals upang maitabla ng Beermen ang serye.

Nagtala ang Kings ng 19 turnovers na nagresulta sa 27 easy points para sa Beermen na naging susi sa kanilang pagkatalo.

Subalit para kay Brownlee, ang Game 2 ay dapat magsilbing aral sa Kings para sa mga susunod nilang laro, lalo na ang krus­yal na Game 3 sa ­Miyerkoles.

“We just made a lot of mistakes, especially early on turning the ball over. Of course, when you turn the ball over, you try to get it back. I think that’s where some of the fouls came,” wika ni Brownlee.

Comments are closed.