BASURA NG AUSTRALIA IBABALIK

BASURA NG AUSTRALIA

MATAPOS  na maibalik sa Canada ang kanilang mga basura, nakatakda na ring ibalik sa  Australia ang  basurang dinala sa bansa.

Sa kanyang tweet, sinabi ni  Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.  na “O, by the way, the garbage from Australia, that’s going back too.”  Ang 40-footer container na galing sa Australia  na  dinala sa Mindanao International Terminal sa Tagaloan, Misamis Oriental ay nadiskubre ng Bureau of Customs.

“No, I don’t give a flying f••k that it is used in making cement. If that is so cement makers should formally import the ingredient so it goes nowhere but to their plants,” pahayag ni Locsin.

Idinepensa  ng Holcim Philippines Inc.,  na  mga materyales ay ‘cleared’ ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Acutely aware of the public outcry against the export of wastes to the Philippines and irresponsible and damaging waste disposal practices, Holcim Philippines’ importation and use of PEF as alternative fuel for its cement kilns is pursuant to its objective of contributing to the ongoing efforts to address the global waste problem,” pahayag ng Holcim Inc.

Nauna nang ipinaliwanag ng DENR na   naglalaman ang  pitong containers na galing Australia ng  mga processed engineered fuel, isang alternatibong fuel source na maaring magamit sa paggawa ng semento.

Nitong nakaraang buwan ay nagbanta ang Pa­ngulong Duterte ng giyera laban sa Canada kung mabibigo ang mga ito na  alisin o iuwi ang kanilang mga basura na ilang taon nang natengga sa bansa.

Comments are closed.