BASURANG BAHAY NA NAPUPUNTA SA DAGAT DELIKADO

Roy Cimatu

MATAPOS matuklasan ang mga single-use face masks na nakapulupot sa coral reefs ng Anilao, Batangas, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na dapat bantayan ang pagtatapon ng household healthcare wastes.

Ani Cimatu, nakaaalarmang kung saan-saan itinatapon ang mga ito sa dagat dahil nasisira nito ang kalikasan.

Sinabi ni Cimatu na mahalagang maging responsable ang lahat sa ganitong sitwasyon.

Ayon naman kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns Benny D. Antiporda, nakipag-usap na sila sa Philippine Coast Guard upang masigurong lahat ng mga sasakyang dagat na international at inter-island, kasama na ang mga bangkang pangisda ay kailangang magkaroon ng yellow bins na tapunan ng COVID-19 related healthcare waste tulad ng nagamit na face masks, gwantes, bulak, tissue paper at testing kits upang maiiwasang mapunta ang mga ito sa dagat.

Nakipag-ugnayan na rin ang DENR sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na nag-aatas sa mga LGU sa tamang pagtatapon ng household healthcare wastes, paglilinis ng mga estero, at sa pagpapaalala sa mga naninirahan sa tabi ilog, creek at dagat na huwag magtapon ng basura rito.

Ani Antiporda, mag-uusap ang DENR at ang  partner-agencies para makabuo ng epektibong solusyon tungkol sa pagresolba ng problema sa disposal ng household healthcare wastes.

Inamin din ng Usec na mas mahirap ang disposal ng mga household healthcare waste kaysa sa pangongolekta sa hospital at quarantine waste dahil mayroon silang treatment facility at hauling permit kaya madali silang i-monitor.

Gayunman, kung susunod  ang mga tao sa waste segregation ay hindi magkakaroon ng problema.

Nagpalabas na ng paalala ang DENR sa tulong ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) para sa tamang disposal ng household healthcare wastes.

Dagdag pa ng DENR, dapat din makiisa ang mga LGU sa pagpapatupad nito upang hindi kumalat ang COVID 19. NENET L. VILLAFANIA

2 thoughts on “BASURANG BAHAY NA NAPUPUNTA SA DAGAT DELIKADO”

  1. 288086 251448Keep in touch whilst functioning from your personal home workplace with out all of the hassle of purchasing or procurment costly office equipment. Debtors are allowed to apply with their a bad credit score background whenever. 704446

Comments are closed.