Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Magnolia vs Columbian
7 p.m. – NLEX vs Alaska
SUMANDAL ang San Miguel Beer kay five-time MVP June Mar Fajardo para maitakas ang 113-107 panalo laban sa NorthPort sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Bumuslo si Fajardo ng halos perfect 14-of-15 mula sa field upang tumapos na may 40 points at 19 rebounds, na naging tuntungan ng Beermen upang kunin ang ika-4 na sunod na panalo at umangat sa 6-3 kartada.
Hindi lamang sa scoring at rebounding departments kuminang si Fajardo kung saan ibinigay niya ang huli sa kanyang 3 assists para sa tres ni Chris Ross na nagselyo sa panalo ng Beermen.
Nag-ambag si Terrence Romeo ng 23 points, 6 rebounds at 3 assists, gumawa si Marcio Lassiter ng 15 points at nakalikom si Ross ng 9 points, 7 assists, 4 re-bounds at 2 steals.
Hindi malilimutan ni San Miguel veteran Arwind Santos, tumipa ng 11 points, 9 rebounds at 1 block, ang gabi nang maging ika-8 player siya sa kasaysayan ng liga na nagtala ng 800 blocks.
Sinamahan ni Santos sina legends Mon Fernandez, Abet Guidaben, Philip Cezar, Benjie Paras, Jerry Codiñera, Marlou Aquino at Manny Victorino.
Nasayang naman ang career-high 28 points ni Mo Tautuaa sa paglasap ng NorthPort ng ika-5 sunod na talo para sa 2-5 marka. Nagtala rin siya ng 13 rebounds at 2 steals. CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (113) – Fajardo 40, Romeo 23, Lassiter 15, Santos 11, Nabong 11, Ross 9, Rosser 4, Cabagnot 0, Pessumal 0.
NorthPort (107) – Tautuaa 28, Anthony 16, Bolick 12, Grey 12, Taha 11, Elorde 11, Pringle 10, Lanete 5, Guinto 2, Gabayni 0, Sollano 0.
QS: 21-25, 50-54, 84-77, 113-107.