BEA ALONZO MAS GUSTONG MAGTRABAHO KAYSA PAG-USAPAN ANG ISYU

BEA ALONZO

MAGSASAMA sa isang pelikula sina Bea Alonzo, Angelica Pa­nganiban at Richard chizmaxGutierrez.

Si Mae Cruz-Alviar ang hahawak ng proyekto para sa tatlong nasabing Kapamilya artists.

Nag-story conference na ang grupo kung saan ipinost ni Bea sa kanyang socmed na nilagyan niya ng caption na, “Excited for this one.”

Tikom ang bibig ni Bea sa mga naglalabasang balita. Mas gugustuhin pa raw niyang maging busy kaya nga excited na raw siyang muling mag-trabaho.

May mensaheng hatid

CHARO SANTOS NI-LIKE ANG KOMENTO NG NETIZEN HINGGIL SA BARRETTO SISTERS

HINDI pa rin na­mamatay ang isyung pang-aahas umano ni Julia Barretto sa CHARO SANTOSboyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.

Halos lahat ng simpatiya ng showbiz personalities ay kay Bea.

Isa na rito ay si Ms. Charo Santos na nagkomento sa reaction ng netizens hinggil sa Barretto sisters.

Isang netizen ang nagkomento, “nasa blood na kc ng mga Barretto Sister yan.”

Sinagot naman ng isang netizen na, “truth haha.”

Base sa screenshot, ni-like ni Ms. Charo ang “truth” comment.

Dahil dito, maraming espekulasyon ang lumabas. Naki-join na rin daw ang isa sa head ng ABS-CBN. Mukhang nag-iimbestiga na raw si Ms. Charo.

“It shows that Madam Charo supports Bea in this fight. Naku, mukhang na­ging close talaga si Madam Charo at si Ate Gurl Bea sa movie na Eerie ah.”

“Humanda ka na Julia B.” Tagilid ang Barretto sa big boss hahahahahaha. Madam of ABS is putting more spice sa issue na ito!

“Having Ms. Charo liking a comment against Julia (or the Barretto family) means goodbye career na talaga si Julia.”

May nagsasabi namang mukhang aksidente lang daw ang pagka-like ni Ms. Charo kumbaga nakiki-chismis lang daw siguro sa mga update na balita.

ANDREA AT DEREK NAISPATAN SA SHANGHAI NA SWEET SA ISA’T ISA

PAREHONG denial ang dalawang lead stars sa teleseryeng The Better Woman ng andrea and derekGMA-7 kapag tinatanong kung may namamagitan na nga ba sa kanila.

Pero sadyang hindi naman nila maloloko ang netizens dahil sa kanilang mga kilos ay may pahiwatig na sila’y nagkakaintindihan na.

Tulad na lang nang maispatan silang dalawa sa Shanghai na very happy sa isa’t isa.

Komento nga ng netizen sa mga larawang nasa social media, “yan ba ang walang relasyon?  Nakikita naman na action speaks louder than words.”

Pareho pa sila nagsabing “Ni Hao.”

“Sila na nga… Ang bilis mag move on ng ibang tao…”

‘O, ‘di totoo palang si Andrea ang third party sa hiwalayang Derek sa girlfriend niya,” komento naman ng isa.

Mas marami raw naman

mapag-uusapan

FRANKIE PANGILINAN PALAG ‘PAG NAPUPUNA ANG PAGBI-BIKINI

HINDI nagugustuhan ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis FRANKIE PANGILINANPangilinan ang comment ng netizens sa bawat post niya sa socmed na naka-swimsuit.

Para sa kanya, may mas mahalaga pa raw na alalahanin ngayon sa mundo ang dapat na pag-usapan kaysa ang tungkol sa kanyang pagbi-bikini.

Sa Instagram post ni Frankie nu’ng Tuesday kung saan naka-swimsuit siya ay nilagyan niya eto ng note, “Whenever I post a swimsuit pic, it seems to get a little extra attention. I definitely don’t feel comfortable with that when there are so many more important things we should all be discussing.”

Aniya, marami naman daw mapag-uusapan ang mga tao sa social media tulad ang environmental concerns, recycling, avoiding the use of plastic bottles and straws, buying local, vaccinating kids, and registering to vote, among others.

Saad pa Frankie, “Colonial mentality is bad enough and it shouldn’t get to ruin our economy.”

“Don’t body shame. Stay hydrated. Be kind,” dagdag pa ng anak ni Megastar.

“That’s just a few things I believe we should all try to keep in mind,” pagtatapos ng dalaga.