BEERMEN NALUSUTAN ANG DYIP SA OT

beermen

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – NLEX vs Blackwater
6 p.m. – Magnolia vs Meralco

SUMANDAL ang San Miguel Beer kay June Mar Fajardo upang malusutan ang upset-conscious Dyip sa overtime, 109-108, at sementuhan ang No. 1 seed sa playoffs sa PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Ang 6-time MVP ay nagbuhos ng 26 points, 10 rebounds at bagong career-high 9 assists.

Umiskor si Fajardo ng 8 points sa fourth period at 9 sa extra time, kabilang ang three-point play laban kay Aldrech Ramos na nagbigay sa SMB ng isanv puntos na kalamangan, may 19.6 segundo ang nalalabi.

Ang Dyip, na humabol mula sa six-point deficit sa huling 1:07 ng regulation upang ipuwersa ang OT, ay may huling pagkakataon na agawin ang panalo ngunit sumablay si Javi Gomez de Liano sa kanyang potential winning layup.

Kumarera ang SMB sa ika-6 na sunod na panalo para sa 9-1 record overall sa pagkawala nina coach Leo Austria at player Jericho Cruz, na kapwa isinailalim sa health and safety protocols. Si Jorge Gallent ang pumalit kay Austria.

“Not much adjustment, really. We just followed our basic rules on offense and defense and did what we’ve been doing the past 10 games,” sabi ni Gallent.

Siyempre ay kabilang dito ang pag-maximize sa lakas ni Fajardo, na unang nagbibigay ng assists bago pinangunahan ang scoring sa stretch.

“If you have a June Mar Fajardo and you don’t pass him the ball in the endgame, there’s something wrong with you,” dagdag ni Gallent.

Kumana si Eric Camson ng 20 points upang pangunahan ang wala pang panalong Dyip (0-9) habang nagdagdag si JP Calvo ng 19, tampok ang back-to-back treys na nagtabla sa talaan sa 98-all sa regulation play. CLYDE MARIANO

Iskor:
San Miguel (109) – Fajardo 26, Lassiter 23, Perez 20, Pessumal 13, Tautuaa 10, Zamar 9, Brondial 6, Canete 2, Enciso 0, Manuel 0.
Terrafirma (108) – Camson 20, Calvo 19, Gomez de Liano 19, Cahilig 17, Mina 13, Ramos 8, Gabayni 7, Tiongson 3, Tumalip 2, Enriquez 0, Balagasay 0.
QS: 23-19, 47-43, 74-68, 98-98, 109-108.